Nagtagpo kahapon, Marso 14, 2022 sa Roma, kabisera ng Italya, sina Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika.
Tinalakay nila ang hinggil sa relasyong Sino-Amerikano at iba pang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na mahalaga para sa dalawang bansa.
Ang naturang pagtalakay ay matapat, malalim at konstruktibo.
Sinang-ayunan ng dalawang panig na mainam na ipatupad ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawng bansa, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba at pahihigpitin ang mga kooperasyon para pasulungin ang pagbalik ng relasyon ng dalawang bansa sa matatag, malusog at tamang landas.
Ipinahayag ni Yang na ang pinakapangunahing gawain ay pagpapatupad ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawng bansa at palagiang sinusunod ng panig Tsino ang mga prinsipyo na iniharap ni Pangulong Xi Jinping. Umaasa aniya siyang susundin ng Amerika ang mga pangako ni Pangulong Joseph Biden na kinabibilangan ng di-paglulunsad ng bagong Cold War, di-pagbabago ng sistema ng Tsina, di-kontra sa Tsina sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng relasyon ng mga alyansa at di-pagsusuporta sa “Pagsasarili ng Taiwan”, at pagsasagawa ng komprontasyon sa Tsina.
Sinabi ni Yang na ang pagpapahigpit ng Tsina at Amerika sa diyalogo at kooperasyon, maayos na paghawak at pagkontrol ng pagkakaiba at pag-iwas sa komprotasyon at sagupaan ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Kaugnay ng isyu ng Taiwan, binigyang-diin ni Yang na ang isyung ito ay may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina. Sinabi niyang labis na ikinababahala at matatag na tinututulan ng panig Tsino ang mga maling pananalita at kilos ng Amerika kamakailan hinggil sa isyung ito. Sinabi pa niyang hiniling ng panig Tsino sa Amerika na sundin ang patakarang Isang Tsina, mga tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika at mga pangako ng Amerika mismo.
Ipinaliwanag din ni Yang ang paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xijiang, Tibet at Hong Kong. Tinukoy ni Yang na ang naturang mga isyu ay may kinalaman sa nukleong kapakanan ng Tsina at nabibilang sa mga suliraning panloob ng bansa. Binigyang-diin ni Yang na hinding hindi pahihintulutan ng Tsina ang panghihimasok ng anumang bansa sa nabanggit na mga isyu.
Nagpalitan din sila ng mga palagay hinggil sa mga isyu ng Ukraine, Afghanistan at isyung nuklear ng Korean Peninsula at Iran.
Salin: Ernest
Pulido: Mac