Biyetnam, bukas na para sa mga dayuhang turista

2022-03-16 15:09:03  CMG
Share with:

 

 

Ipinatalastas nitong Martes, Marso 15, 2022 ng Pamahalaan ng Biyetnam na bukas na ang bansa para sa mga dayuhang turista at lubos nang pinanumbalik ang mga aktibidad na panturista.

 

Nang araw ring iyon, sinabi ni Nguyen Trung Khanh, Direktor Heneral ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Biyetnam, na maaaring pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista kung papasa sila sa mga tadhana ng pagpasok-labas ng Biyetnam at makasusunod sa kahilingan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.

 

Sinabi ni Nguyen na ang target ng mga dayuhang turista sa bansang ito sa taong 2022 ay 5 milyon, samantala ang bilang ng mga domestikong turista ay inaasahang aabot sa 60 milyon. Ayon sa datos, ang bilang ng mga dayuhang turista ng Biyetnam noong 2019 ay 18 na milyon.

 

Ayon din sa ulat ng Ministri ng Kalusugan ng bansang ito, ang bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umabot sa 175,480 at 68 ang bagong naitalang pumanaw.

 

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method