Mga dalubhasa sa TCM ng Tsina, dumating sa Kambodya para magbigay-tulong sa paglaban sa COVID-19

2022-03-17 16:29:07  CMG
Share with:

Mga dalubhasa sa TCM ng Tsina, dumating sa Kambodya para magbigay-tulong sa paglaban sa COVID-19_fororder_20220317Kambodya

Dumating Miyerkules, Marso 16, 2022 ng Phnom Penh, Kambodya ang grupo ng mga dalubhasang Tsino sa Traditional Chinese Medicine (TCM), para tulungan ang bansang labanan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
 

Isasagawa ng nasabing grupo ang kanilang misyong medikal sa Cambodia China Friendship Preah Kossamak Hospital sa Phnom Penh.
 

Sa pagsalubong sa Paliparan, sinabi ni Oeun Boraroth, Secretary of State ng Ministri ng Kalusugan ng Kambodya na ito ay mahalagang pagbabahagi ng karanasan ng Tsina sa paglaban sa pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method