Mga positibong pahayag ni Biden tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, kailangang ipatupad

2022-03-20 16:07:04  CMG
Share with:

Mga positibong pahayag ni Biden tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, kailangang ipatupad_fororder_404ac5d544824a6fa72588ab84a59918

 

Kaugnay ng video call nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika, sinabi kahapon, Marso 19, 2022, ni Le Yucheng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na kailangang ipatupad ng panig Amerikano ang mga positibong pahayag ni Biden tungkol sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Dagdag niya, dalawang oras ang itinagal ng pag-uusap ng dalawang pangulo, pragmatiko ang atmospera, at tapat at malalim ang kanilang pagpapalitan ng palagay.

 

Kaugnay naman ng krisis sa Ukraine, na tinalakay nina Xi at Biden, sinabi ni Le, na dapat iwasang maganap sa rehiyong Asya-Pasipiko ang mga pangyayaring katulad sa Ukraine.

 

Para rito, dapat aniyang pahalagahan ng mga bansa sa rehiyong ito ang kapayapaan, igalang ang isa't-isa, palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, at igiit ang pag-asa sa sarili.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan

Please select the login method