Kung ipapataw ng Amerika ang sangsyon laban sa mga opisyal na Tsino sa katuwiran ng karapatang-pantao: Tsina, tiyak na gaganti

2022-03-23 16:09:26  CMG
Share with:

Kaugnay ng balak ng Amerika na patawan ng sangsyon ang ilang opisyal Tsino sa katuwiran ng di-umano’y paglabag sa karapatang-pantao, hinimok Martes, Marso 22, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na obdiyektibo’t makatarungang pakitunguhan ang kondisyon ng karapatang-pantao ng Tsina, itigil ang tikis na pagdungis at paninikil sa Tsina, at agarang ibasura ang umano’y sangsyon laban sa mga opisyal Tsino.
 

Kung hindi, tiyak na isasagawa ng panig Tsino ang katumbas na ganti, dagdag niya.
 

Ayon sa ulat, inihayag nitong Lunes ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ipapataw ng bansa ang restriksyon sa visa laban sa mga opisyal na Tsino sa Tsina, Amerika at ibang bansa na kasali sa di-umano’y mga aksyon ng paglapastangan sa karapatang-pantao.
 

Kaugnay nito, tinukoy ni Wang na iginigiit ng pamahalaang Tsino ang ideya ng karapatang-pantao, na “gawing sentro ang mga mamamayan,” mataimtim na ipinatutupad ang simulain sa Konstitusyon ng Tsina hinggil sa paggalang at paggarantiya sa karapatang-pantao, at pagpa-priyoritisa sa karapatan sa buhay at kaunlaran ng mga mamamayan.
 

Dagdag diyan, koordinado aniyang pinapahigpit ng bansa ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan sa kabuhayan, pulitika, lipunan, kultura, at kapaligiran; at masipag na pinangangalagaan ang katarungang panlipunan, at pinapasulong ang komprehensibong pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamamayan, ani Wang.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method