Liham na pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Ika-4 na CPC-PCC Theory Seminar

2022-03-24 11:44:05  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati, Miyerkules, Marso 23, 2022 para sa Ika-4 na Theory Seminar ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Partido Komunista ng Cuba (PCC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na ang CPC at PCC ay mga nukleong namumuno sa usaping sosyalismo ng sari-sariling bansa.

Liham na pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Ika-4 na CPC-PCC Theory Seminar_fororder_20220323Seminar1

Aniya, sa harap ng bagong kalagayan at bagong tungkulin, napapanahon ang pagdaraos ng naturang theory seminar para sa paghahanap ng kapuwa panig ng landas ng sosyalismong pag-unlad na angkop sa kalagayan ng sariling bansa.

Liham na pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Ika-4 na CPC-PCC Theory Seminar_fororder_20220323Seminar2

Diin ni Xi, nakahanda ang CPC na malalimang makipagpalitan ng kuru-kuro sa PCC hinggil sa mahahalagang teorya at praktika, pag-aralan ang karanasan ng isa’t-isa sa pangangasiwa sa estado, at pasulungin ang walang-humpay na pagpapalakas ng kakayahan ng dalawang partido at pag-unlad ng usapin ng sosyalismo.
 

Ginaganap ang naturang theory seminar mula ika-23 hanggang ika-24 ng Marso, sa pamamagitan ng mga video link.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method