Ibang miyembro ng G20, walang karapatang patalsikin sa grupo ang Rusya

2022-03-24 15:15:36  CMG
Share with:

Ibang miyembro ng G20, walang karapatang patalsikin sa grupo ang Rusya_fororder_20220324WangWenbin

Tinukoy nitong Miyerkules, Marso 23, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Rusya ay mahalagang miyembro ng G20, at walang kapangyarihan ang iba pang miyembro na patalsikin ang Rusya mula sa grupo.

Ipinahayag ni Wang na ang G20 ay plataporma ng kooperasyong pangkabuhayan sa mundo na nilalahukan ng mga pangunahing ekonomiya ng daigdig.

Sa kasalukuyan, mahina aniya ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at nasa masusing yugto ang pagpuksa sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, may mahalagang responsibilidad ang G20 sa pamumuno ng pagpuksa sa COVID-19, pagpapabuti ng pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, diin pa ni Wang.

Ipinahayag din niyang kinakatigan ng Tsina ang mga gawain ng Indonesiya, kasalukuyang Tagapangulong bansa ng G20, sa pagpapasulong ng kooperasyon ng G20 sa iba’t-ibang larangan batay sa itinakdang adiyenda.

Salin: Ernest

Pulido: Rhio

 

Please select the login method