Pinagtibay nitong Huwebes, Marso 24, 2022 ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) ang panukalang resolusyon hinggil sa makataong kalagayan ng Ukraine.
Ang nasabing panukala ay isinumite ng mga bansang gaya ng Pransya at Mexico. Hinimok nito ang iba’t ibang panig na mapayapang resolbahin sa lalong madaling panahon ang sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine, ayon sa pandaigdigang batas at sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal, talastasan, medyasyon at iba pang mapayapang paraan.
Sa kanyang talumpati bago ang pagboto, sinabi ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na winewelkam ng panig Tsino ang anumang mungkahi at hakbanging makakatulong sa pagpapahupa o pagresolba sa makataong krisis ng Ukraine.
Aniya, ang diyalogo’t talastasan ay siyang tanging lunas sa krisis ng Ukraine. Mariing nanawagan ang panig Tsino sa komunidad ng daigdig na maging makatarungan, magbuklud-buklod at walang sawang magsikap para sa pagsasakatuparan ng tigil-putukan at kapayapaan.
Patuloy na magpapatingkad ang Tsina ng konstruktibong papel upang mapasulong ang talastasang pangkapayapaan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac