Xi Jinping kay Boris Johnson: Dapat pasulungin ng daigdig ang talastasan kaugnay ng kalagayan sa Ukraine

2022-03-26 16:24:51  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono, kahapon, Marso 25, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya, sinabi ng pangulong Tsino, na kaugnay ng kalagayan sa Ukraine, dapat gumawa ang komunidad ng daigdig ng tunay na pagsisikap, upang pasulungin ang talastasang pangkapayapaan, at lumikha ng kondisyon para sa pulitikal na solusyon.

 

Patuloy na gaganap ang Tsina ng konstruktibong papel sa isyung ito, dagdag niya.

 

Pagdating naman sa bilateral na relasyon ng Tsina at Britanya, sinabi ni Xi, na ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa ambasadoryal na lebel ng dalawang bansa. Nitong 50 taong nakalipas aniya, tuluy-tuloy na umuunlad ang relasyong Sino-Britaniko, sa kabila ng ilang kaligaligan.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Britanya, na isagawa ang diyalogo at kooperasyon, batay sa tapat, bukas, at insklusibong atityud. Umaasa aniya ang Tsina, na obdiyektibo at makatarungang pakikitunguhan ng Britanya ang Tsina at relasyong Sino-Britaniko, at tuluy-tuloy na pasusulungin, kasama ng Tsina, ang relasyong ito.

 

Ipinahayag naman ni Johnson, na mahalaga ang relasyong Britaniko-Sino, at may komong kapakanan ang dalawang bansa sa maraming aspekto.

 

Nakahanda aniya ang Britanya, kasama ng Tsina, na isagawa ang tapat na diyalogo, palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan, palawakin ang kalakalan, at palalimin ang koordinasyon sa pagbabago ng klima, biyodibersidad, at iba pang isyung pandaigdig.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method