Sa isang pulong ng UN Security Council na may kinalaman sa mga usaping makatao ng Ukraine, ipinahayag ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN na nagpapatuloy ang sagupaan sa Ukarine, dapat totohanang pangalagaan ang kaligtasan ng mga sibilyan at igarantiya ang mga pangangailangang humanitarian. At nanawagan ang panig Tsina sa mga nagsasagupaang panig na sumunod sa batas na makatao, iwasan ang kasulwati ng mga sibilyan hangga’t maaari, pangalagaan ang kaligtasan ng mga kagamitang pansibil, ipagkaloob ang ligtas na tsanel at humanitaryang lagusan para sa mga lumilikas na tao, igarantiya ang sustenableng pagsuplay ng pagkain, tubig, gamot at ibang pundamental na pang-araw-araw na kagamitan. Laung-lalo na, palakasin ang pangangalaga sa kababaihan at bata.
Binigyan-diin pa ni Dai na lumalala ang krisis at nagiging mas malaki ang kapinsalaan. Hindi angkop ito sa kapakanan at interes ng lahat ng panig. Ang pagpapatupad ng tigil-putukan sa tulong ng diyalogo at talastasan ay pinakamabuting kalutasan. Kaya, dapat himukin ng komunidad ng daigdig ang Rusya at Ukraine na ipagpatuloy ang talastasan hanggang matupad ang kapayapaan sa bandang huli.
Salin: Sissi
Pulido: Mac