UN, nanawagan sa Rusya at Ukraine na isakatuparan ang mga pangako

2022-03-30 18:05:52  CMG
Share with:

UN, nanawagan sa Rusya at Ukraine na isakatuparan ang mga pangako_fororder_20220330UNUkraine

 

Kaugnay ng katatapos na talastasan ng Rusya at Ukraine nitong Martes, Marso 29, 2022 sa Istanbul, Turkey, ipinahayag ng Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang pag-asang maisasakatuparan ng Rusya at Ukraine ang kanilang mga pangako sa talastasan.

Sinabi ng nasabing tagapagsalita na umaasa ang UN na isasagawa ng Rusya at Ukraine ang mga aktuwal na aksyon sa lalong madaling panahon para mangyari ang tigil-putukan at maaaring ihatid ng UN ang mga makataong kagamitan.

Salin: Ernest

Pulido:Mac

Please select the login method