Xi Jinping: Tsina at Europa, kailangang ibigay ang katatagan sa harap ng maligalig na mundo

2022-04-01 23:44:03  CMG
Share with:

Xi Jinping: Tsina at Europa, kailangang ibigay ang mga matatag na elemento sa ligalig na kalagayan ng daigdig_fororder_fdc3075539754369a0f238b09a489195

 

Nakipagtagpo ngayong gabi, Abril 1, 2022, sa pamamagitan ng video link, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kina Pangulong Charles Michel ng European Council at Pangulong Ursula von der Leyen ng European Commission.

 

Tinukoy ni Xi, na hindi nagbabago ang pag-asang iniharap niya 8 taon na ang nakararaan, na palalakasin ang pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Europa, bubuuin ang kanilang relasyong nakatuon sa kapayapaan, kaunlaran, reporma, at sibilisasyon, at itatatag ang komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Europa na may mas malakas na impluwensiya sa buong daigdig.

 

Ani Xi, sa kasalukuyan, sa harap ng kumakalat na pandemiya ng COVID-19, mahinang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at nagaganap na krisis ng Ukraine, kailangang ibigay ng Tsina at Europa ang mga matatag na elemento sa maigalig na kalagayan ng daigdig.

 

Kailangan ding palakasin ng dalawang panig ang pag-uugnayan tungkol sa relasyong Sino-Europeo, at mga mahalagang isyung may kinalaman sa kapayapaan at kaunlaran ng buong mundo, dagdag niya.

 

Binigyang-diin ni Xi, na sa pamamagitan lamang ng kooperasyon at koordinasyon, malulutas ng Tsina at Europa ang mga isyu, at mahaharap ang mga hamon.

 

Umaasa rin siyang bubuuin ng Europa ang sariling pagkaunawa sa Tsina, isasagawa ang independiyenteng patakaran sa Tsina, at titiyakin, kasama ng Tsina, ang matatag at pangmatagalang pag-unlad ng kanilang relasyon.

 

Sinabi naman nina Michel at Von der Leyen, na sa mula’t mula pa’y may mutuwal na kapakinabangan at win-win result ang relasyong Europeo-Sino, at kapwa itinataguyod ng dalawang panig ang kapayapaan at multilateralismo.

 

Ipinahayag din nilang, igigiit ng panig Europeo ang prinsipyong Isang Tsina, palalakasin ang diyalogo at kooperasyon ng Europa at Tsina, at pananatilihin ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.

 

Nagpalitan din ng palagay ang dalawang panig tungkol sa kalagayan ng Ukraine.

 

Inilahad ni Xi ang paninindigan ng Tsina, na pasulungin ang talastasang pangkapayapaan, iwasan ang mas malawak na makataong krisis, isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan sa Europa at kontinenteng Eurasian, at iwasang maapektuhan ng kasalukuyang sagupaang rehiyonal ang pandaigdigang sistemang pangkabuhayan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method