Tsina at EU, binigyang-diin ang kahalagahan ng estratehikong awtonomiya

2021-10-16 18:36:31  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono, kahapon, Oktubre 15, 2021, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Presidente Charles Michel ng European Council.

 

Sinabi ni Xi, na natural ang pagkakaroon ng kompetisyon at mga pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU), pero dapat lutasin ang mga ito sa pamamagitan ng diyalogo at negosasyon.

 

Ipinahayag din niya ang pag-asang igigiit ng EU ang estratehikong kasarinlan, liliwanagin ang tama sa mali, at gagawin ang pagsisikap kasama ng Tsina, para pasulungin ang relasyon at kooperasyong Sino-EU.

 

Sinabi naman ni Michel, na napagtatanto ng EU at mga kasaping bansa nito ang kahalagahan sa pagpapalakas ng estratehikong awtonomiya.

 

Kailangan aniyang magkasamang suportahan ng EU at Tsina ang multilateralismo, at magtulungan para sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pagbangon ng kabuhayan, pagharap sa pagbabago ng klima, at pangangalaga sa rehiyonal na kapayapaan at katatagan.

 

Binigyang-diin din ni Michel, na tumatalima ang EU sa prinsipyong Isang Tsina, at hindi nagbabago ang patakaran nito sa mga isyung may kinalaman sa Taiwan.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method