Pangangalaga sa kalusugan at pagpigil sa malubhang simtomas, pokus ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya

2023-01-03 18:29:52  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Enero 3, 2023 ni Mi Feng, Tagapagsalita ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, na ang kasalukuyang pokus ng mga hakbang sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay pangangalaga sa kalusugan at pagpigil sa malubhang simtomas.

 

Para rito, mabuti aniyang ipagkakaloob ng pamahalaan ang serbisyong medikal para sa matatanda, mga bata, buntis, at may mga co-morbidity.

 

Pabubutihin din ng pamahalaan ang pang-araw-araw na serbisyong pangkalusugan gaya ng suplay ng mga gamot, at takbo ng sistema ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya sa kanayunan, dagdag niya.