Mga hakbangin laban sa pandemiya ng Tsina, mas mainam na magbibigay-ginhawa sa pagpapalitan at pagtutulungang panlabas

2022-12-29 15:45:42  CMG
Share with:

Kaugnay ng mga positibong pagtasa ng mga banyagang samahang komersyal at organong diplomatiko ng ilang bansa sa Tsina sa mga ini-optimisang hakbangin kontra pandemiya, sinabi Miyerkules, Disyembre 28, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga pansamantalang hakbangin ng bansa ay lilikha ng mas mainam na kondisyon para sa ligtas, malusog at maayos na pagpapalitan ng mga tauhan sa loob at labas ng bansa, magbibigay ng mas mainam na garantiya sa pagpapalitan at pagtutulungang panlabas, at magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Dagdag niya, mabisang kokoordinahin ng panig Tsino ang pagkontrol sa pandemiya at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, buong tatag na palalawakin ang pagbubukas sa labas, palalakasin, kasama ng iba't ibang panig ang pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya, ipagtanggol ang seguridad at katatagan ng global industry at supply chain, at pasusulungin ang pagpapanumbalik at paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito