Pakistan, nagpasalamat sa tulong ng Tsina sa pakikibaka laban sa baha

2023-01-08 16:02:18  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Punong Ministro Shahbaz Sharif ng Pakistan ang pasasalamat sa ibinigay na tulong ng pamahalaan at mga kompanyang Tsino sa mga apektadong mamamayan nito makaraang salantain ang bansa ng baha.

 

Sinabi niya na nakakapaghatid ang Pakistan-China Economic Corridor ng malaking benepisyo sa mga mamamayang Pakistani. Nakakapagbigay din aniya ang mga kompanyang Tsino ng namumukod na ambag sa Pakistan sa iba’t-ibang larangang tulad ng enerhiya at imprastruktura.

 

Winiwelkam ng Pakistan ang aktibong paglahok ng mga kompanyang Tsino sa larangan ng bagong enerhiya ng bansa, dagdag pa niya.

 

 

Ayon sa datos mula sa Pakistan National Disaster Management Authority, mula noong gitnang dako ng Hunyo ng nagdaang taon, mahigit 1,739 katao ang nasawi at mahigit 12.8 libo iba pa ang nasugatan sa iba’t-ibang kalamidad na dulot ng malakas na ulan sa bansang ito.