CMG Komentaryo: Pagkukunwari at doble istandard ng Amerika sa bagong hakbangin ng Tsina sa COVID-19

2023-01-09 15:44:05  CMG
Share with:

 

Isinagawa, noong Enero 8, 2022, ng pamahalagang Tsino ang bagong hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Ayon dito, hindi na kailangang suriin at ikuwarentina ang mga paninda at taong papasok sa Tsina, at panunumbalikin din sa normal ang paglalakbay ng mga turistang Tsino tungo sa ibayong dagat.

 

Ang naturang mga hakbangin ay makakabuti sa pagbangon ng kabuhayan at pag-unlad ng lipunan.

 

Pero, pinuna ito ng mga pulitikong Amerikano at isingawa ang limitasyon sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa Amerika.

 

Ang kanilang pananalita’t kilos ay mapagkunwari at nagpapakita ng dobleng istandard.

 

Noong nagdaang tatlong taon, palaging iginiit ng Tsina ang mga aktibo at katugong hakbangin laban sa COVID-19.

 

Dahil dito, napabuti ang sistema ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at nagresulta sa paggamot ng mga malubang simtomas.

 

Ang naturang mga karanasan ay nakalikha ng magandang kondisyon sa pagsasa-ayos ng hakbangin laban sa pandemiya.

 

Kaugnay ng mga bagong lumitaw na hamon, ang mga ito ay mabisang mapangangasiwaan ng Tsina.

 

Ang pagbubukas ng Tsina ay magpapasigla sa kabuhayan ng bansa at buong daigdig.

 

Sa kabilang dako, hindi isinasagawa ng Amerika ang mahigpit na hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, at sa kasalukuyan, mabilis na kumakalat ang iba’t-ibang uri ng COVID-19 sa loob ng Amerika at malubhang nagbabanta sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan.

 

Sa ilalim ng ganitong kalagayan, pinupuna ng mga pulitikong Amerikano ang hakbangin ng Tsina at isinasagawa ang limitasyon sa pagpasok ng mga turistang Tsino sa Amerika.

 

Ito ay nagpapakita ng doble istandard at pagkukunwari ng Amerika sa isyu ng COVID-19.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio