33 bansa, saklaw ng mga proyekto ng AIIB

2023-01-16 15:35:13  CMG
Share with:


Ngayong araw, Enero 16, 2023, ay ika-7 anibersaryo ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), kauna-unahang multilateral na organo ng pagpapa-unlad na itinayo sa ilalim ng inisyatiba ng Tsina.

 

Ayon sa datos, 202 proyekto sa larangan ng imprastruktura, pagpapasulong sa pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at iba pa, ang inaprobahan ng AIIB mula 2016 hanggang 2022.

 

Samantala, lampas naman sa USD$38.8 bilyon ang kabuuang halaga ng mga pinondohang proyekto ng AIIB sa sustenableng imprastruktura sa enerhiya, transportasyon, patubig, telekomunikasyon, edukasyon, kalusugang pampubliko at iba pang larangan, at berdeng pagbangon ng kabuhayan ng mga kasapi.

 

Saklaw ng mga proyektong ito ang 33 bansa sa buong mundo.

 

Ang AIIB ay mayroong 106 na kasaping bansa mula sa 6 na kontinente, na bumubuo sa 81% ng populasyon ng mundo, at 65% ng Gross Domestic Product (GDP) ng daigdig.

Bahagyang mas maliit ang bilang ng mga kasapi ng AIIB kaysa World Bank (WB).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio