Tsina, patuloy na magpupunyagi para sa mas luntiang mundo

2023-01-21 18:52:01  CMG
Share with:


Kaugnay ng white paper na pinamagatang “Luntiang Pag-unlad ng Tsina sa Makabagong Panahon na inilabas kamakailan, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, Enero 20, 2023, ang kahandahan ng bansa upang patuloy na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig para itatag ang mas luntian, mas malinis at mas magandang mundo.

 

Hinggil dito, isinalaysasy ni Wang ang pagsisikap ng Tsina sa pagtahak sa landas ng luntiang pag-unlad.

 

Halimbawa, ang Tsina ang unang bansa sa daigdig na nagsakatuparan ng zero net land degradation.

 

Nitong nakalipas na 30 taon, patuloy aniyang lumalaki ang coverage ratio at stock volume ng kagubatan ng bansa.

 

Bukod pa riyan, pinai-iral ng Tsina ang Global Development Initiative, at nagsisikap ito para itatag ang Global Clean Energy Cooperation Partnership, dagdag ni Wang.

 

Sinabi pa niyang aktibo rin ang Tsina sa pakikilahok sa kooperasyon sa transisyon ng enerhiya at episyensiya ng enerhiya sa ilalim ng balangkas ng G20, BRICS, Shanghai Cooperation Organization, and Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

 

Samantala, pinirmahan din aniya ng Tsina at United Nations Environment Programme ang Memorandum of Understanding (MoU) sa pagtatatag ng luntiang Belt and Road.

 

Maliban pa riyan, mahigit 50 kasunduang pangkooperasyon sa eco-environmental conservation ang nalagdaan ng Tsina at mga bansang dayuhan, at mahigit 3,000 tauhan mula sa mahigit 30 bansa ang sinanay ng panig Tsino, batay sa Green Silk Road Envoys Program, ani Wang.

 

Aniya pa, itinaguyod ng Tsina ang Ika-15 Pulong ng Conference of the Parties to the United Nations Convention on Biological Diversity (COP15) at Ika- 14 Pulong ng Conference of the Contracting Parties to the Ramsar Convention on Wetlands.

 

Layon ng mga ito na itakda ang landas tungo sa pandaigdig na pangangasiwa sa biodiversity governance at pasulungin ang pangangalaga ng mga sapa sa daigdig, saad pa niya.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio