Itinakda sa katatapos na Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang target sa pagtatatag ng modernisasyong Tsino.
Bilang tugon sa mga pandaigdigang hamon na gaya ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), mabagal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at heopulitikal na sagupaan, ang pagpapasulong ng modernisasyong Tsino ay hindi lamang pangangailangan para sa pagsasakatuparan ng pambansang pag-unlad, kundi nagkakaloob din ng mga pagkakataon para sa kasaganaan at kapayapaan ng daigdig.
Sa loob ng mahabang panahon, lumaganap sa mga kanluraning bansa ang ideyang ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot ng digmaan at kaguluhan sa daigdig dahil nais nitong palitan ang Amerika bilang nangungunang puwersa, o mas kilala sa tawag na“Patibong ni Thucydides.”
Sa kanilang pananaw, ang pag-ahon ng Tsina ay makakapinsala sa pandaigdigang kaayusan at banta sa kapayapaan ng daigdig.
Subalit, taliwas sa ikinatatakot ng mga kanluraning bansa, ang pag-unlad ng Tsina ay hindi magdudulot ng kaguluhan at digmaan.
Ayon sa paliwanag ng CPC, ang modernisasyong Tsino ay paggigiit ng prinsipyo ng mapayapang pag-unlad.
Sa mahigit apat na dekadang nakalipas, sapul nang isagawa ang reporma’t pagbubukas ng Tsina sa labas noong 1978, ito na ngayon ang pangunahing trade partner ng mahigit 140 bansa’t rehiyon, at ito rin ang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas sa loob ng ilang taong nakalipas.
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), ang bolyum ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina mula Enero hanggang Setyembre 2022 ay nasa mahigit USD$29.1 bilyon, na katumbas ng 17.86% ng kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng Pilipinas.
Bukod pa riyan, lumaki rin ang contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ayon sa ulat ng World Bank noong Oktubre ng kasalukuyang taon, mula 2013 hanggang 2021, umabot sa 38.6% ang karaniwang contribution rate ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig kada taon.
Ito ay pinakamataas sa mundo.
Ang modernisasyong Tsino ay isang dakilang usapin para sa sambayanang Tsino, at isa sa mga pangunahing layunin nito ay pagsasakatuparan ng magkakasamang pag-unlad ng mga mamamayang Tsino.
Para isakatuparan ang nasabing target, ang unang aksyon ng pamahalaang Tsino ay pagpawi sa ganap na kahirapan sa loob ng bansa.
Dahil kinakaharap din ng Pilipinas ang hamong ito, ang mga karanasan at hakbangin ng Tsina ay maaaring pag-aralan ng Pilipinas.
Sa susunod na yugto, buong sikap lulutasin ng Tsina ang mga isyung gaya ng pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon.
Layon nitong isulong ang balanseng pag-unlad ng iba’t-ibat lugar para isakatuparan ang magkakasamang pag-unlad.
Sa kabilang dako, tulad ng Tsina, malaki rin ang agwat sa pagitan ng mga lunsod at nayon, at mayayaman at mahihirap sa Pilipinas.
Kaya maaring magpalitan ng karanasan ang Pilipinas at Tsina upang malutas ang nabanggit na mga hamon, pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa katotohanan, ang modernisasyong Tsino ay hindi lamang para sa sariling pag-unlad, sa halip, ito ay patnubay na nagkakaloob ng mga pagkakataon ng pag-unlad para sa ibang mga bansa’t rehiyon.
Ang mondernisasyon Tsino ay magpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad.
Hinggil dito, palaging iginigiit ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas at nakahanda itong ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad sa komunidad ng daigdig.
Isang magandang halimbawa ay ang katatapos na Ika-5 China International Import Expo (CIIE), kung saan, nilagdaan ng delegasyong Pilipino ang mga kasunduan ng pagluluwas ng mga produkto sa Tsina, na nagkakahalaga ng USD$600 milyon.
Ang halagang ito ay bagong rekord sa kasaysayan ng paglahok ng Pilipinas sa CIIE.
Ang merkadong Tsino ay nagkakaloob ng maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng Pilipinas, at nagdaragdag ng hanap-buhay sa bansa.
Ang pundamental na target at layon ng modernisasyong Tsino ay pagsusulong ng benepisyo ng mga Tsino, ngunit, sa prosesong ito, naipagkaloob, naipagkakaloob at maipagkakaloob din ng Tsina ang oportunidad tungo sa komong kaunlaran ng lahat ng mga bansa.
Sulat: Ernest
Pulido: Rhio/Jade