Kaunlaran at pagbubukas ng Tsina, mabuti para sa daigdig – opisyal ng UN

2023-01-21 19:26:15  CMG
Share with:


Sa panahon ng 2023 World Economic Forum (WEF), ipinahayag ni Rebeca Grynspan, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), na ang pag-unlad at pagbubukas ng Tsina ay nakakabuti sa daigdig.

 


Diin niya, ang pagkakawatak-watak ng kaayusan ng kalakalan ay hindi makakabuti sa kaunlarang pandaigdig.

 

Sa kabilang banda, ang “Belt and Road” Initiative ay nakakapagpataas aniya sa produktibidad ng mga umuunlad na bansa, at nakakatulong sa industriyalisasyon at dibersidad sa larangan ng produksyon ng mga umuunlad na bansa. 

Salin: Lito

Pulido: Rhio