Luding County, lalawigang Sichuan, niyanig ng 5.6 magnitude na lindol: kasuwalti, walang pang naitala

2023-01-26 09:39:26  CMG
Share with:

 

Isang 5.6 magnitude na lindol ang yumanig, alas-tres kuwarenta y nuwebe (3:49) ng madaling araw, Huwebes, Enero 26, 2023, sa Luding County, Ganzi Prefecture, Lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.

Ayon sa mga awtoridad, wala pang tala ng anumang kasuwalti sa kasalukuyan.

Samantala, nakarating na sa ilang apektadong lugar, alas-sais (6:00) ngayong umaga, ang unang pangkat ng 58 kataong bombero upang tumulong sa mga gawaing panaklolo.

Mas marami pang bombero ang nakatakdang magtungo sa mga nilindol na lugar, ayon pa sa mga awtoridad.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: Xinhua