Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, Lunes, Enero 30, 2023, mahigit 12.18 trilyong yuan RMB ang kita ng mga cultural enterprise above designated size ng Tsina noong isang taon, at ito ay lumaki ng 0.9% kumpara noong 2021.
Ipinakikita ng datos na patuloy ang paglakas ng kakayahan sa pagbangon ng bagong pormang pangnegosyo ng kultura.
Inihayag ni Zhang Peng, Senior Statistician ng nasabing kawanihan, na noong 2022, mabisang kinoordina ng iba’t-ibang departamento ang pagpigil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at pinasulong ang pagkakabisa ng mga patakaran sa pagpapaunlad ng industriya ng kultura.
Dahil dito, nanatiling matatag ang paglago ng industriya ng kultura sa buong bansa, at tuluy-tuloy na lumakas ang kakayahan sa pagbangon ng bagong pormang pangnegosyo ng kultura, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio