Samu’t saring salu-salo sa Pestibal ng Tagsibol

2023-01-31 10:48:22  CMG
Share with:

Ang Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino ay ang pinakamahalagang kapistahan ng mga Tsino sa buong mundo.


Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng selebrasyon ng Pestibal ng Tagsibol ay ang salu-salo ng buong pamilya. 


Tulad sa Pilipinas, mayaman at may katangi-tangi ring kultura ng pagkain ang Tsina.


Sa iba’t-ibang lunsod at probinsya ng bansa, makikita ang iba’t-ibang kagawian at pagkain sa pagsasalu-salo. 


Magkakapareho o magkakaiba naman, malalasap sa bawat putahe ang kaligayahang dulot ng pagtitipun-tipon at pagmamahalan ng pamilya at magagandang hangarin para sa bagong taon. 


Narito ang ilang putahe sa noche buena o unang salu-salo para ipagdiwang ang Bagong Taong Tsino sa iba’t-ibang lugar ng Tsina.

 

 

Salu-salo ng pamilyang galing sa Hohhot, punong lunsod ng Inner Mongolia Autonomous Region.

 

Ang isda ay di-maaaring mawala sa lahat ng hapag-kainan tuwing Pestibal ng Tagsibol dahil ang bigkas ng isda sa wikang Tsino ay sintunog ng bigkas ng salita sa pagiging sagana.


 

Hiniwa-hiwang kamatis na may asukal, sa salu-salo ng isang pamilya mula sa lunsod Fuyang, lalawigang Anhui – ito ay nagpapahiwatig ng matamis na pamumuhay sa bagong taon.


 

Ang noche buena ng isang pamilyang taga-Shangluo, lalagiwang Shaanxi.

 

Ang tikoy ay isa ring pagkain na laging nariyan sa lahat ng salu-salo tuwing Pestibal ng Tagsibol.

 

Ang tikoy sa wikang Tsino ay 年(nián)糕(ɡāo).

 

Ang pagkain nito sa Pestibal ng Tagsibol ay nagpapahiwatig ng hangarin para sa taun-taong pag-unlad at pag-angat ng pamumuhay.

 

Ang 年(nián) ay nangangahulungang taon at ang bigkas ng糕(ɡāo) ay sintunog ng 高(ɡāo), na ang ibig sabihin ay angat at taas.


 

Simple’t malinamnam na noche buena sa Pestibal ng Tagsibol ng isang pamilyang taga-lunsod Liaoyang, lalawigang Liaoning sa dakong hilaga-silangan ng Tsina.

 

Sa dakong hilaga ng Tsina, nakagawian na ng mga pamilyang Tsino ang sama-samang paggawa’t pagkain ng 饺(jiǎo)子(zi) o dumpling, makaraang mag-noche buena.


Ang bigkas ng jiaozi ay sintunog ng salitang Tsino na nangangahulugang hating gabi.

 

Kaya, ang pagkain ng jiaozi ay nagpapahiwatig ng pagpapaalam sa kasalukuyang taon at pagyakap sa bagong taon.  

 

Kasama ng pagsasalu-salo, ang panonood ng Chunwan o Spring Festival Gala ay naging kagawian na rin ng halos lahat ng pamilyang Tsino tuwing bisperas ng Pestibal ng Tagsibol.


 


Ang apat na dekadang Chunwan na handog ng China Media Group ay binubuo ng mga palabas na gaya ng awit, sayaw, dula-dulaan, opera, iskit pangkomedya o sketch comedy, sining ng pakikipaglaban o Wushu, akrobatika, at iba pa.

 

Sa kabilang dako, ang Pestibal ng Tagsibol ay isa ring piyesta-opisyal sa Pilipinas, at nitong ilang araw lamang na nakalipas, ipinagdiwang ng mga Pilipinong nasa Tsina ang pagpasok ng Bagong Taong Tsino.

 

Noong Enero 21, 2023, bisperas ng Pestibal ng Tagsibol, nagtipun-tipon at nagsalu-salo ang mga Pilipino sa Beijing mula sa iba’t-ibang sektor.


 

Kasabay ito ng pagdiriwang ng kaarawan ni Jensen Moreno, Artistang Pinay na nakabase sa Beijing.  


Si Jensen Moreno (ika-4 sa kanan), kasama ang mga kababayan at kaibigan

 


Artikulo: Jade

Pulido: Rhio

Larawan: Miao Yuan, Sarah, Vera, Kulas, Ramil Santos 

Espesyal na pasasalamat kina Ernest, Lito, Frank, Sissi