Sa news briefing sa Singapore Martes, Enero 31, 2023, inilabas ng International Monetary Fund (IMF) ang sinusugang World Economic Outlook (WEO), kung saan tinatayang lalago ng 2.9% ang kabuhayang pandaigdig sa 2023, at aabot sa 3.1% ang paglago nito sa 2024.
Tinaya rin ng ulat na lalaki ng 5.2% ang kabuhayang Tsino ngayong taon.
Tinukoy ng IMF na nagbunsod ng presyur sa mga ekonimikong aktibidad ang dalawang elemento, isa ay ang pagpapataas ng interest rate ng mga bangko sentral bilang tugon sa implasyon at isa pa ay ang pagtuloy ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Hinggil dito, tinaya ng WEO, bababa sa 6.6% sa 2023, at 4.3% sa 2024 ang pandaigdigang implasyon, mula 8.8% noong 2022.
Ito ay mas mataas pa rin kaysa halos 3.5% na implasyon bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) mula noong 2017 hanggang 2019.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Kita ng mga cultural enterprise above designated size ng Tsina noong 2022, lumaki ng 0.9%
Tsina, patatatagin at palalawakin ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan
Pagkonsumo sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol ng Tsina, lumaki
Halos 226 na milyon, bilang ng mga pasahero sa bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol sa Tsina