Papel ng pinansya sa katatagan ng makro-ekonomiya, dapat palakasin – Li Keqiang

2023-02-01 15:13:38  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri, Lunes, Enero 30, 2023 sa People's Bank of China at State Administration of Foreign Exchange (SAFE), ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na dapat ibayo pang palakasin ang papel ng pinansya sa pag-iistabilisa ng makro-ekonomiya, tuluy-tuloy na pataasin ang lebel ng serbisyong pinansyal, panatilihin sa makatuwirang antas ang takbo ng kabuhayan, at pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad.

 


Saad ni Li, nitong nakalipas na ilang taon, sa harap ng multipleng panlabas na biglaang problema, napapanatili sa mahigit US$3 trilyon ang foreign exchange reserve ng Tsina, nagiging matatag sa kabuuan ang exchange rate ng yuan Renminbi, at nagkakaloob ito ng mabisang suporta sa pagpapatatag ng kalakalang panlabas, pinansya, kabuhayan at iba pa.

 

Aniya, dapat malalimang ipatupad ang package policy at mga sumusunod na hakbangin sa pagpapatatag ng kabuhayan, at pag-ibayuhin ang suportang pinansyal sa pagpapalakas ng konsumo, pamumuhunan at estrukturang ekonomiko.

 


Dapat ding pabutihin ang kapaligirang pinansyal para sa pribadong sektor, lalung lalo na, ang mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal, pigilan at resolbahin ang mga panganib na pinansyal, at panatilihin ang exchange rate ng yuan sa makatuwiran at balanseng lebel, dagdag ni Li.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio