Sa kanyang pangungulo sa pagtitipon para pakinggan ang kuru-kuro ng mga personahe mula sa iba’t-ibang sangay ng lipunan at kinatawan sa nakakababang yunit ng pamahalaan hinggil sa panukalang government work report, Pebrero 6, 2023, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa kabila ng mga hadlang pangkabuhayan sanhi ng iba’t-ibang di-inaasahang elemento, nakamtan pa rin ng bansa ang mga bagong pag-unlad noong 2022, at nasa angkop na antas ngayon ang takbo ng kabuhayan ng Tsina.
Tinukoy niyang nitong nakalipas na 5 taon, natupad ng kabuhayang Tsino ang katam-taman hanggang mataas na bahagdan ng taunang paglaki na 5.2%.
Sa pamamagitan ng mga bagong paraan ng makro-regulasyon, malalakas at mabibisang polisya at hindi pag-iisyu ng sobrang salapi, napanatiling matatag ang presyo ng mga paninda, dagdag niya.
Ipinagdiinan din ni Li ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga desisyong ginawa sa Central Economic Work Conference at mga polisya at hakbangin sa pagpapatatag ng kabuhayan, para patuloy na mapalawak ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio