CMG Komentaryo: Sangsyon ng Amerika, dapat alisin sa harap ng kalamidad

2023-02-09 16:07:22  CMG
Share with:

Pebrero 6, 2023, dalawang beses na niyanig ng malakas na lindol ang dakong timog silangan ng Türkiye na kahangga ng Syria, at tuluy-tuloy na tumataas ngayon ang bilang ng mga kasuwalti sa dalawang bansa.

 

Dahil dito, patuloy na sumisidhi ang makataong krisis sa Syria.

 

Tinukoy ng Ministring Panlabas ng Syria na sanhi ng sangsyon ng mga bansang kanluranin nitong nakalipas na mahabang panahon, kapos sa kasangkapan ng paghahanap at pagliligtas ang bansa.

 

Ayon naman kay Emma Beals, mananaliksik ng Middle East Institute, ang paghahatid ng mga materyales na panaklolo ay na-a-antala dahil sa  malubhang pagkawasak ng mga daan papasok sa Syria.

 


Dahil sa ganitong pangkagipitang situwasyon, magkakasunod na nanawagan sa Amerika at ibang bansang kanluranin ang mga organong gaya ng Syrian Arab Red Crescent, at American-Arab Anti-Discrimination Committee (ADC), na agarang alisin ang unilateral na sangsyon laban sa Syria, upang maiwasan ang ibayo pang paglala ng makataong kalagayan.

 

Pero tinanggihan ng panig Amerikano ang direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Syria, at inihayag nitong ipagkakaloob lamang ang saklolo sa pamamagitan ng mga “lokal na makataong katuwang.”

 

Sapul nang sumiklab ang digmaang sibil sa Syria noong 2011, madalas na isinasagawa ng Amerika ng pakikialam na militar, at nagpapataw ng malupit na sangsyong ekonomiko.

 

Higit sa lahat, sinasakop ng tropang Amerikano ang mga pangunahing sonang nagpoprodyus ng langis sa Syria, dinarambong ang mahigit 80% ng naipoprodyus na langis, at ipinupuslit at sinusunog ang mga inimbak na pagkaing-butil ng Syria.

 

Ang serye ng masasamang aksyong ito ay nagbunsod ng trahedya sa mga mamamayang lokal.

 

Laging pinapalaganap ng mga pulitikong Amerikano ang umano’y karapatang-pantao at humanitaryanismo, at sa harap ng naturang kalamidad, maaari nilang ihayag ang pakikiramay at suporta sa mga mamamayan ng Gitnang Silangan, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, agarang paglalansag sa unilateral na sangsyon laban sa Syria, at hindi pagpapabaya na mapahamak ang mga mamamayan sa likas na kalamidad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio