Katotohanan kaugnay ng insidente sa Ren’ai Reef, muling ipinaliwanag ng Tsina

2023-02-17 17:45:25  CMG
Share with:

Kaugnay ng pangyayaring naganap kamakailan sa rehiyong pandagat ng Ren’ai Reef sa South China Sea, muling isinalaysay Miyerkules, Pebrero 15, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kaukulang impormasyon.

 

Aniya, noong Pebrero 6, walang pahintulot nang pumasok sa rehiyong pandagat sa paligid ng Ren’ai Reef ang isang bapor ng Philippine Coast Guard (PCG), at sapilitang isinagawa ng bapor ng China Coast Guard (CCG) ang mga hakbangin alinsunod sa batas.

 

Diin ni Wang, hindi ginamit ng panig Tsino ang laser laban sa mga marinerong Pilipino.

 

Sa halip, gamit ang hand-held laser speed detector at hand-held greenlight pointer, sinukat ng panig Tsino ang distansya at bilis ng bapor ng PCG, at binigyan ng patnubay ng lokasyon at direksyon ang paglalayag ng bapor na ito.

 

Dagdag niya, ipinaliwanag na ng embahador ng Tsina sa Pilipinas ang kaukulang kalagayan at katotohanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Napapanatili rin aniya ng mga departamento ng ugnayang panlabas at coast guard ng dalawang bansa ang pag-uugnayan, sa pamamagitan ng bilateral na mekanismo.

 

Kasama ng panig Pilipino, nakahanda ang panig Tsino na mataimtim na ipatupad ang mahahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy na maayos na hawakan ang mga isyung pandagat, sa pamamagitan ng mapagkaibigang negosasyon, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio