Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG) nitong Abril 20, 2022, inihayag ni Sourabh Gupta, senior fellow ng Institute for China-America Studies ng Amerika na ipinakita ng keynote speech ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) ang pagpupunyagi ng bansa upang magkaisa ang komunidad ng daigdig, magkasamang maharap ang iba’t ibang uri ng hamong pandaigdig na gaya ng pandemiya, at mapasulong ang kaunlaran ng buong mundo.
Binigyan din niya ng papuri ang Global Security Initiative na iniharap ng panig Tsino.
Palagay ni Gupta, karapat-dapat papurihan ang pagsisikap ng Tsina.
Umaasa aniya siyang susundin ng iba pang bansa ang ideyang di-angkop sa panahon ng cold war.
Aniya, ang nasabing inisyatiba ay nagsasa-alang-alang sa pananaw ng maraming umuunlad na bansa at maunlad na bansa, na ayaw makitang maghiwa-hiwalay ang daigdig, at nananabik na magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
BFA: RCEP at Hainan FTP, magdudulot ng malaking benepisyo sa Asya
CMG Komentaryo: Global Security Initiative, kinakailangan ng Asya at daigdig
Pangulong Duterte sa BFA: muling buuin ang mas mabuting bagong normal pagkatapos ng pandemiya
Xi Jinping, bumigkas ng keynote speech sa 2022 BFA: pagkakaisa at pagtutulungan, ipinagdiinan