Premyer Tsino, nakipagtagpo sa kilalang mathematician na si Shing-Tung Yau

2023-02-27 16:30:44  CMG
Share with:

Nakipagtagpo sa Beijing, Pebrero 24, 2023 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kilalang mathematician na si Shing-Tung Yau.

 

Saad ni Li, kinakailangan ng inobasyon at pag-unlad ng siyensiya’t teknolohiya ang suporta ng pundamental na agham, at ang matematika ay pundasyon ng pundamental na agham.

 

Dapat igalang ang siyentipikong kalakaran, palakasin ang pananaliksik sa pundamental na agham, at patibayin ang pundasyon ng inobasyon at pag-unlad ng siyensiya’t teknolohiya, diin niya.

 


Ani Li, suportado niya ang mga mananaliksik sa pagtatamo ng bagong breakthrough.

 

Dapat igalang ang mga talento, palakasin ang pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan, at magkakasamang gawin ang ambag tungo sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan, dagdag niya.

 

Si Shing-Tung Yau ay ang unang Chinese-born mathematician na nakakuha ng Fields Medal, kataas-taasang parangal sa sirkulo ng matematika sa daigdig.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, nagpunyagi siya upang mapa-unlad ang mga basic discipline at edukasyon ng mga namumukod na talentong matematikal ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio