Pagpasok ng mga banyagang kompanya sa pamilihang Tsino, winewelkam

2023-03-02 15:29:07  CMG
Share with:

“Winewelkam ng Tsina ang mga banyagang kompanya na kinabibilangan ng mga kompanyang Amerikano na pumasok sa pamilihang Tsino, upang maibahagi ang kaunlaran, at magkasamang pasulungin ang paglago ng kabuhayang pandaigdig.”

 

Ito ang ipinahayag, Miyerkules, Marso 1, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa ulat ng media hinggil sa plano ng maraming kompanyang Amerikano na magpalawak ng kani-kanilang negosyo sa Tsina, at pinakahuling sarbey ng American Chamber of Commerce in South China kaugnay ng kapaligirang pang-negosyo ng Tsina sa 2023.

 

Ayon sa naturang sarbey, ipinalalagay ng 90% ng mga respondent company, na ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang destinasyon ng pamumuhunan, at binabalak ng 75% sa kanila na muling mamuhunan sa Tsina sa kasalukuyang taon.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Mao na ito ay sanhi ng napakalawak na pamilihan at kumpletong industrial at supply chain network ng Tsina.

 

Bukod pa riyan, buong tatag na pinapasulong aniya ng bansa ang pagbubukas sa mataas na antas, sinusuportahan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at tuluy-tuloy na ipinagkakaloob sa mga kompanyang dayuhan ang mas marketisado, legalisado, internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo.

 

Kahit anupaman ang mangyari sa arenang pandaigdig, hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa mataas na antas, at pagbabahagi ng pagkakataong pangkaunlaran sa daigdig, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio