Xi sa mga paaralan ng partido: tumalima sa pagsasanay ng mga talento at pagbibigay-katalinuhan

2023-03-02 09:23:13  CMG
Share with:

Sa pulong bilang pagdiriwang sa Ika-90 Anibersaryo ng Party School ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at seremonya ng pagbubukas ng bagong semestre sa 2023, nanawagan si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa mga paaralan ng Partido, na tumalima sa orihinal na misyon ng pagsasanay ng mga talento at pagbibigay-katalinuhan.

 


Tinukoy ni Xi na dapat pag-ukulan ng pokus ng mga paaralan ng partido ang mga pangunahing tungkulin, at maglingkod sa pangkalahatang kapakanan ng bansa.

 

Diin niya, ang pagsasanay ng mga talento para sa CPC ay natatanging kahalagahan ng naturang mga paaralan.

 

Kaya, bilang mga pangunahing tsanel ng pagsasanay ng mga opisyal, hinimok niya ang mga ito na aktibong umaksyon upang hubugin ang mga masusing opisyal sa pangangasiwa ng tungkulin sa pag-ahon ng nasyon.

 


Noong Marso ng 1933, itinatag ng CPC ang Paaralan ng Marsismo, at noong 1935, binago ang pangalan nito bilang Party School ng Komite Sentral ng CPC.

 

Sa kasalukuyan, ang mga pangunahing tungkulin ng nasabing paaralan ay pagsasanay ng mga lider sa iba’t-ibang antas, at pagtuturo sa mga nasa hustong-gulang at nakababatang kadre, mga namamahalang tauhan ng mahahalagahang kompanyang ari ng estado, at mga opisyal ng mga bayan at etnikong grupo.

 

Bukod sa Party School ng Komite Sentral ng CPC, itinayo rin ang mga paaralan ng partido sa antas ng lalawigan, lunsod at county.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio