Ika-5 Baghdad Dialogue International Conference, ginanap

2023-03-20 15:56:55  CMG
Share with:

Baghdad, kabisera ng Iraq – Binuksan Linggo, Marso 19, 2023 ang Ika-5 Baghdad Dialogue International Conference.

 

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinariwa ni Punong Ministro Mohammed Shia al-Sudani ng Iraq ang iba’t-ibang kahirapang dinanas ng bansa dahil sa digmaan at terorismo nitong nakalipas na 20 taon.

 

Tinukoy niyang ang lahat ng mga sakit at kapinsalaan ay nagsilbing mahalagang aral na pinupulut ngayon ng Iraq.

 

Ang Marso 20 ay ika-20 anibersaryo ng pananalakay ng tropang Amerikano sa Iraq.

 

Ipinalalagay ng ilang dalubhasa at iskolar na katangi-tangi ang katuturan ng pagdaraos ng nasabing komperensya sa okasyong ito.

 

Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), sinabi ni Ahmed Al-Alsadi, Ministro ng Manggagawa at Suliraning Panlipunan ng Iraq, na makikipagdiyalogo ang kanyang bansa sa mga mananaliksik, iskolar, tagapaggawa ng desisyon, at lider ng kuru-kuro mula sa magkakaibang bansa ng daigdig, para talakayin ang angkop na estratehiyang pangkaunlaran ng Iraq.

 

Sa panahon ng 2-araw na komperensya, idaraos ang pitong diyalogo hinggil sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan, pagharap sa pagbabago ng klima, pagtugon sa pangangailangan ng enerhiya at iba pang paksa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio