Binuksan Huwebes, Marso 23, 2023 sa Beijing ang Ika-2 International Forum on Democracy: The Shared Human Values.
Sa pamamagitan ng kapuwa online at offline platform, lumalahok dito ang mahigit 300 panauhin mula sa mahigit 100 bansa’t rehiyon.
Tinatalakay ng mga dating mataas na opisyal ng maraming bansa, kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig, dalubhasa at iskolar ang mga paksang gaya ng “demokrasya at pangangasiwang pandaigdig,” “dibersidad ng demokrasya at sibilisasyon,” “demokrasya at landas tungo sa modernisasyon,” at iba pa.
Ipinalalagay ng mga kalahok na bilang common value ng buong sangkatauhan, ang demokrasya ay unibersal na hangarin sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng iba’t-ibang bansa, at pundasyon para sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Anila pa, hindi dapat sapilitang palaganapin ng anumang bansa ang sarili nitong estilo ng demokrasya sa ibang bansa, at isagawa ang umano’y “demokratikong renobasyon” sa ibang bansa.
Nanawagan ang mga kalahok sa iba’t-ibang bansa na igalang ang dibersidad ng mga sibilisasyon, at magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio