Sarbey ng CGTN: walang superyor na demokrasya, at ang domorasyang angkop sa kalagayan ng bansa ay siyang pinakamaganda

2023-03-23 16:02:15  CMG
Share with:

Ayon sa pandaigdigang sarbey na ginawa ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University ng Tsina, malaking pansin ang itinutuon ng mga respondiyente sa mga pundamental na makataong karapatan na gaya ng karapatan sa buhay at pag-unlad.

 

Palagay ng 84.8% ng mga respondiyente, walang superyor na demokrasya, at ang pinakamagandang demokrasya ay ang demokrasyang angkop sa kalagayan ng sarili nilang bansa.

 

Kaugnay ng priyoridad ng demokrasya, 40.7% ng mga respondiyente ang nagsabi na nangunguna ang pundamental na karapatan sa buhay; at 29.3% ang nagsabi na pumapangalawa ang karapatan sa rule of law na nangangahulugang “pagkakapantay-pantay ng lahat.”

 

Nasa ika-3 at ika-4 na puwesto ang karapatan sa pag-unlad na kinakatawan ng “paglago ng kabuhayan” na nasa (29%) at “pagpapataas ng pamantayan ng pamumuhay” na nasa (28.4%).

 

Samantala, sa pananaw ng 88.3% ng mga respondiyente, ang demokrasya ay dapat maging paraan para sa mga lider ng pamahalaan, na ipakita ang mithiin ng mga mamamayan, maglingkod sa mga mamamayan, at tumanggap ng pagsusuperbisa ng mga mamamayan.

 

Ipinalalagay naman ng 75.5% ng mga respondiyente na kapansin-pansin ang tagumpay sa kaunlaran na natamo ng Tsina, at ito ay bunga ng magkaibang sistemang pulitikal ng Tsina kumpara sa mga bansang Europeo at Amerika.

 

Kasali sa nasabing sarbey ang 3,776 na respondiyente mula sa 35 bansa ng mundo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio