Pangkalahatang Kalihim Kao Kim Hourn ng ASEAN, dadalaw sa Tsina

2023-03-24 11:25:32  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Marso 23, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanya ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, opisyal na dadalaw sa Tsina si Kao Kim Hourn, Pangkalahatang Kalihim ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mula ika-24 hanggang ika-29 ng Marso.

 

Sa panahon ng kanyang pananatili sa Tsina, dadalo din si Kao sa taunang pulong ng Boao Forum for Asia.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil