MOFA: konsultasyon ng COC sa South China Sea, aktibong pasusulungin upang matamo ang mas malaking progreso

2023-03-15 16:07:08  CMG
Share with:

Isinalaysay Martes, Marso 14, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula noong Marso 8 hanggang 10, ginanap sa Jakarta, Indonesya ang ika-38 na pulong ng joint working group ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Aniya, patuloy na pinasulong sa pulong ng Tsina at mga bansang ASEAN ang konsultasyon sa teksto ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea, at malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro hinggil sa pagpapatupad ng DOC at pragmatikong kooperasyong pandagat.

 

Buong pagkakaisa aniyang sinang-ayunan ng iba’t ibang panig na isagawa ang multipleng proyekto ng pragmatikong kooperasyon sa mga larangang gaya ng siyentipikong pananaliksik sa dagat, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, paghahanap at pagliligtas sa dagat at iba pa, palakasin ang diyalogo’t pag-uugnayan, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at magkakasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

 

Itinakda na ng iba’t ibang panig ang plano ng mga gawain sa kasalukuyang taon, at idaraos sa loob ng taong ito ang maraming round ng Senior Officials’ Meeting ng ASEAN at Tsina sa pagpapatupad ng DOC at pulong ng nabanggit na joint working group, para mapasulong ang pagtamo ng konsultasyon sa COC ng mas malaking progreso, dagdag ni Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil