Mahigit 6.8 milyong ilegal na account, pinarusahan noong 2022

2023-03-29 16:12:39  CMG
Share with:

Sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina Martes, Marso 28, 2023, isinalaysay ni Niu Yibing, Pangalawang Direktor ng Cyberspace Administration ng Tsina (CAC), na noong isang taon, inilunsad ng CAC ang 13 espesyal na operasyon para sa malinis at malusog na cyberspace.

 

Sa proseso ng nasabing mga operasyon, mahigit 54.3 milyong piraso ng ilegal at negatibong impormasyon ang inayos, mahigit 6.8 milyong account ang pinarusahan, at mga 7,300 website ang isinara, bagay na mabisang pinangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga internet user, dagdag niya.

 

Saad ni Niu, sa taong 2023, ginagawang target ng ganitong espesyal na kampanya ang pagpapalinis ng online environment, at ang pokus ng mga kampanya ay ilalagay, pangunahin na, sa mga aspektong gaya ng pagpapabuti ng online business environment, pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal, pagsasaayos sa mga impormasyon sa life service platform at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil