Pamumulaklak ng cherry blossom sa Yuyuantan Park, nakakaakit ng maraming tursita

2023-03-29 16:13:45  CMG
Share with:


Pumasok na kamakailan ang panahon ng pamumulaklak ng mga cherry blossom o sakura sa Beijing, kabisera ng Tsina.

 

Sa Yuyuantan Park na matatagpuan sa Haidian District ng Beijing, mainit na idinaraos ang Ika-34 na Sakura Cultural Activity.

 

Nanonood ang mga turista ng mga mayabong namumukadkad na sakura sa malawak na kagubatan ng bulaklak na ito na may lawak na mahigit 250 libong square meters.

 

Bukod pa riyan, makikita rin sa parke ang mga malikhaing produktong may elemento ng sakura na gaya ng sorbetes, fridge magnet at garland. Ang mga ito ay kinagigiliwan ng mga taong pumapasyal dito.

 

Ang pamumulaklak ng mga cherry blossom ay hudyat na talagang dumating na ang tagsibol. Halika’t pagmasdan ang kaakit-akit na tanawin sa parkeng ito.



Video/Script: Kulas

Pulido: Ramil