Amb. Jimi: Mensahe sa mga kababayang Pilipino

2023-04-07 10:17:54  CMG
Share with:


“Punta kayo dito, magtagal ng kaunti, magtingin-tingin, makipagkaibigan, makipag-usap sa mga Tsino, at makikita ninyo kung ano ang maganda dito, kung alin ang problema.”

 

Ito ang mensahe ni Jaime “Ka Jimi” FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina sa mga kababayang Pilipinong nasa Pilipinas, sa eksklusibong panayam sa Serbisyo Filipino, China Media Group (SF-CMG), Marso 3, 2023.

 

Sabi ni Embahador FlorCruz, maraming Pilipino ang interesado sa China, pero hindi pa sila nakakapunta rito. Karamihan ng kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa China ay nabasa, o kaya narinig lang.

 

“Malaki na po ang pinagbago dito. So, tingnan natin, punta kayo dito. Samahan ko kayo kung gusto ninyo... para makita ano ba talaga ang buhay ng mga Tsino sa Tsina, at ano ba ang buhay ng mga Pilipino na nasa Tsina, at makikita naman siguro nila na, puwede na, okay naman, dagdag pa ni Ka Jimi.

 

Inaasahan aniya niyang magkaroon ang mga kababayang Pilipino ng tamang perception sa Tsina, hindi lamang hearsay.

 

Ulat: Kulas

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Sissi/Kulas/Jade

Panayam: Rhio

Cameramen: Deng Botao/Zhao Zhiqiang/Gong Ziyang

Light: Han Peng

Audio: Yang Guohui

Patnugot sa video: Qin Lei/Kulas/Jade

Transcription at pagsalin sa panayam: Sissi/Kulas/Jade

Espesyal na pasasalamat kina Liang Shuang, Tai Linzhen, Yuanqi