Trilateral na pagtatagpo nina Xi Jinping, Macron at von der Leyen, ginanap

2023-04-07 15:11:30  CMG
Share with:

Ginanap Huwebes, Abril 6, 2023 sa Beijing ang trilateral na pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at Presidente Ursula von der Leyen ng Komisyong Europeo.

 

Tinukoy ni Xi na may malawakang komong kapakanan ang panig Tsino’t Unyong Europeo (EU), mas malaki ang kooperasyon kaysa kompetisyon, at mas marami ang komong palagay kaysa alitan.

 


Dapat aniyang igiit ng kapuwa panig ang paggagalangan, pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang diyalogo’t kooperasyon, magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng daigdig, pasulungin ang komong kaunlaran at kasaganaan, at magkakapit-bisig na harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Diin niya, ang relasyong Sino-EU ay hindi nakakatuon, hindi nakakaasa, at hindi hinahadlangan ng ika-3 panig.

 

Dapat panatilihin ng kapuwa panig ang pagbubukas sa isa’t isa, ipagkaloob ang makatarungan at walang pagtatanging kapaligirang pang-negosyo sa mga kompanya ng isa’t isa, at iwasan ang pagiging isyung pulitikal o isyu ng pambansang seguridad ng mga usaping pangkabuhaya’t pangkalakalan. Kailangang buuin ang matatag at mapagkakatiwalaang supply chain, at i-synergize ang Belt and Road Initiative at Global Gateway strategy ng EU, para suportahan ang matatag at pangmalayuang paglago ng kabuhayan ng kapuwa panig, dagdag ni Xi.

 

Kasama ng EU, handa aniya ang Tsina na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon nila sa mga multilateral na suliranin, magkasamang pangalagaan ang katatagan at kasaganaan ng daigdig, palakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa makro-ekonomiya at patakarang piskal, at bigyang-tulong ang komong kaunlaran ng mga umuunlad na bansa.

 


Inihayag naman ni von der Leyen ang pag-asang palalakasin ang ugnayan at koordinasyon sa panig Tsino, magkasamang haharapin ang mga hamong pandaigdig, at gagampanan ang kinakailangang papel para sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng daigdig.

 

Diin ni Macron, dapat magkasamang magpunyagi ang EU at Tsina, isagawa ang pantay-pantay na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at walang humpay na palalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng EU at Tsina.

 

Kaugnay ng isyu ng Ukraine, sinang-ayunan nina von der Leyen at Macron na ang Tsina ay hindi tagapaglikha ng krisis ng Ukraine, at hinangaan ng panig ng EU ang ginawang pagsisikap ng Tsina para sa pagpapasulong sa pagresolba ng krisis ng Ukraine sa pamamagitan ng paraang pulitikal. Nakahanda anilang silang makipagtulungan sa panig Tsino, upang hanapin ang solusyon sa pagpapasulong sa kapayapaan at talastasan.

 

Inihayag naman ni Xi na patuloy na patitingkarin ng panig Tsino ang positibong papel para rito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil