Hapon, may 6 na obligasyon sa isyu ng paghawak sa nuklear na kontaminadong tubig – MOFA

2023-04-12 15:30:17  CMG
Share with:


Kaugnay ng isyu ng paghawak sa nuklear na kontaminadong tubig ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ng Hapon, inihayag Martes, Abril 11, 2023 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na may obligasyon ang panig Hapones na isagawa ang lahat ng hakbangin para maiwasan ang polusyon sa kapaligiran; ipaalam ang mga posibleng maapektuhang bansa at lubos na makipagsanggunian sa kanila; tasahin at superbisahin ang epekto sa kapaligiran; isagawa ang mga hakbanging pamprebensyon para maigarantiya ang pagpapaliit ng panganib sa pinakamababang digri; igarantiya ang transparency ng impormasyon; at isagawa ang pandaigdigang kooperasyon.

 

Muling hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na hawakan ang nuclear sewage sa ligtas na paraang angkop sa mga obligasyong pandaigdig, pandaigdigang pamantayan sa seguridad, at magandang praktika sa daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil