Vlog ni Sissi-Pamamasyal sa Pambansang Museo ng Tsina

2023-03-27 14:12:27  CRI
Share with:

Noong Enero 4, kasama ni Madame Peng Liyuan, First Lady ng Tsina, bumisita ng National Museum of China si Philippine First Lady "Liza" Araneta Marcos.

 

Ngayong araw, susundan natin ang bakas ng kanilang pagbisita at ating tutuklasin ang isa sa mga pinakamalaking museo sa daigdig – ang Pambansang Museo ng Tsina.

 

Ang tema ng eksibisyong dinalaw ng dalawang first lady ay “Harmonious Co-existence,” na magkasamang itinaguyod ng Pambansang Museo ng Tsina at Palace Museum. At sa pamamagitan ng 400 pirasong piling antique, naitanghal ang ilang pinakamasagang panahon ng bayang Tsino, lalung-lalo na, ang maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.

 

Tingnan ninyo, parang isang alien ang estatuwang ito. Actually, ito ay isang mangkukulam na nakasuot ng sombrero na hitsurang ulo ng hayop.

 

Ang jade dragon na ito ay isa sa mga pinakamahalagang koleksyon ng Place Museum, dahil ito ang kauna-unahang imahe ng dragon sa nakalipas 10,000 taong kasaysayan ng Tsina. Ang dragon na ito ay kombinasyon ng ahas, usa, baka, isda, manok at iba pang hayop.

 

Pakinggan ninyo! Iyan ang tunog ng mga serial bell. May 2,700 taong kasaysayan ang mga ito at yari sa tanso. Ang mga ito ang pinakamabigat na percussion instrument sa buong daigdig na ginamit sa seremoya ng paghahain (fete ceremony).

 

Alam ba ninyo kung ano itong gintong lalagyan na nasa kaliwa? Sa totoo lang, ito ay protektor lamang ng kahoy na mangkok sa gawing kanan, dahil ito ang mangkok na ginamit ni Emperador Kangxi ng Dinastiyang Qing tuwing siya ay mangangaso.

 

Pagkatapos bumisita sa eksibisyong “Harmonious Co-existence,” irerekomenda ko sa inyo na mamasyal din sa eksibisyong Ancient China sa Basement 1. Kasi, dito ay may 195 pirasong antique na ipinagbabawal na itatanghal sa labas ng Tsina dahil napakahahalaga at pambihirang-pambihira ang mga ito.

 

Ito ang "Houmuwu Ding" mula sa Dinastiyang Shang – pinakamabigat na piraso ng sinaunang bronzeware sa mundo, na may timbang na 832.84 kg.

 

Hulaan ninyo kung ano gamit nito? Actually, ito ay masasabing sinaunang rice cooker noong 1046 B.C.

 

Kung sa tingin ninyo ang ginto o diyamante ay pinakamahal na materyal sa pagawa ng hiyas, karapat-dapat pagmasdan ang phoenix coronet ni Emperatris Xiaoduan noong 1,577. Bukod sa ginto at pilak, ginamit din dito ang 115 natural na rubi, 4,414 na perlas, at ang lahat ng kulay asul na nakikita ninyo ay gawa sa balahibo ng 100,000 kingfisher.

 

Actually, May 48 exhibition hall ang Pambansang Museo ng Tsina at naririto ang mahigit isang milyong piraso ng permanenteng koleksyon. Kung gusto ninyong pagmasdan ang lahat ng koleksyon, kailangan siguro ang dalawa hanggang tatlong araw. Pero, sa pagpunta ninyo rito, makikita ninyong talagang, it’s worth your time.