Vlog ni Sissi-Pamamasyal sa County Market ng Beijing

2023-03-27 14:16:34  CRI
Share with:

Weekend na naman, oras na para maglaro sa labas. Ngayong araw, pupunta tayo sa isang county fair sa kanugnóg ng Beijing. Daming produkto at daming tao. Saan dapat tayo mag-start? Um…hindi pa ako kumakain ng agahan, punta muna tayo sa food area.

 

Noong nasa Pilipinas ako, madalas na tinanong ako ng mga kaibigang pinoy, makakakain ba ako ng balut? Actually, meron din balut sa China at kumain ako minsan noong ako ay isang university student pa. Pero, obviously, ang balut ay hindi isang magandang pagpipilian para sa agahan.

 

Matagal na akong hindi kumakain ng rice noodle, kumpara sa kape at sandwich, mas mahilig ako sa congee, mami o shaobao, pancake. Iyan ang comfortable food para sa akin.

 

Busog na ako at patuloy na maglakad-lakad tayo.

 

Kahit meron mga chain store at online shopping platform, gustong gusto kong namamasyal sa mga farmer’s market at county fair, hindi lamang dahil napakamura ng mga produkto, kundi rin, puwedeng makita, maamoy, marinig at maramdaman ang hitsura ng pamumuhay.

 

Tagsibol na sa Beijing, gusto ko bumili ng ilang binhi, maliban sa pagkain, ako rin ay ang isang plantita. 

 

Wow, kita po ba ninyo ang ganitong popcorn stick at popcorn ball, actually, sa halip na mais, ginamit nito ang bigas. At noong isang linggo, kabibili ko lang ng isa sa isang big brand na pastry store, ginugol ko ang mga 130 pesos. 

 

Sa county market, hindi dapat mamiss ang mga sariwang gulay at prutas. Halos lahat ng gulay dito ay bagong pitas mula sa taniman kaninang umaga o kahapon ng gabi. At tingnan ninyo ang mga strawberry, beautiful red at fully ripe.

 

Pulido: Rhio


Video Editor: Sissi