Vlog ni SissI-Lakbay sa Beijing Enamel Factory

2023-03-27 13:56:38  CRI
Share with:

Dumating na ang Tagsibol, pero malamig pa rin ang panahon sa Beijing, at hindi pa sumisibol ang mga dahon ng halaman.

 

Medyo malungkot ang kapaligiran, ano kaya ang puwedeng libangan?

 

Ngayong araw ay nandito ako sa Beijing Enamel Factory upang tuklasin ang isang intangible cultural heritage ng Tsina-cloisonne enamel.

 

Ang teknik sa paggawa ng mga kagamitang cloisonne enamel ay dumating sa Tsina noon ika-13 siglo mula sa rehiyong Arabe, at makaraan ang hene-henerasyong pag-unlad, naperpekto ang mga materyal at estilong Tsino.

 

Maliban diyan, nagkaroon din ito ng bagong Chinese name – Jingtailan.

 

Ang Jingtai ay tumutukoy sa panahong Jingtai ng Dinastiyang Ming (1368-1644), kung kailan naging popular ang mga kagamitan, samantalang ang Lan naman ay nangangahulugang asul.  

Pero, dahil sa magagandang hitsura, komplikadong teknik at napakataas na presyo, ang mga kagamitang cloisonne enamel ay para lamang sa maharlikang pamilya sa loob ng mahabang panahon.

 

Ayon sa historikal na tala, ang lahat ng table ware na ginagamit ni Emperador Qianlong sa new year banquet ng taong 1705 ay cloisonne enamel o "Jingtailan."

 

Hulaan ninyo kung magkano ang vase na ito? Mahigit 30 milyong piso!

 

Ngayon, kahit wala nang mga emperador at emperatris, kumukutitap pa rin ang mga enamel.

 

Ang mga ito ay madalas na ginagamit bilang official gift ng Tsina sa mga mapagkaibigang bansa at organisasyon, at naging isa sa mga pinakapopular na pasalubong na representatibo ng Beijing at Tsina.

 

Tingnan ninyo, ito ay espesyal na idinisenyo para sa 2022 Beijing Winter Olympic Games.

 

By the way, bilang pinakamalaking propesyonal na workshop sa paggawa ng cloisonne enamel sa buong Tsina, at protection at inheritance center ng intangible culture heritage, libre ang lahat ng pagbisita sa mga museum, treasure hall at workshop sa Beijing Enamel Factory.

 

Dito ay puwede ring subuking gumawa ng sariling cloisonne enamel na plato sa experiencing area – bagay na bagay na libangan sa weekend.

 

Pulido: Rhio


Video Editor: Sissi