Vlog ni Sissi-Pamamasyal sa Panjiayuan Ghost Market

2023-03-27 14:05:09  CRI
Share with:

Weekend na naman, nandito ako sa Panjiayuan Second Hand Market, pero, alam ba ninyo, meron pa itong mas nakapanlulumong panglan?–ito ay ang Ghost Market.

 

Bakit tinatawag itong Ghost Market, meron dalawang kasabihan.

 

Unang una, dahil ang business hours dito ay minsan mula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga. Sa sinaunang panahon, walang ilaw at ang pagbebenta at pagbili ay sa ilalim ng candle light o lamb light, kaya ang mga shopkeeper at mamimili ay parang ghost.

 

Iyong ika-2, (ikalawa) sa ghost market, hindi pwedeng tanungin saan galing ang mga paninda at hindi kayang garantiyahan ng mga shopkeeper ang authenticity ng mga paninda. Sa sinaunang panahon, kahit merong mga pinuslit/smuggled at nakaw/stolen na bagay sa palengke, hindi kaya ibenta sa araw, kaya, tinatawag itong Ghost Market.

 

Ngayon, kasunod ng pagkakaroon ng magandang pamumuhay at maayos na public order, ang Panjiayuan Ghost Market ay naging isang espesyal na NIGHT MARKET. Tanging idinaraos ito tuwing Biyernes, mula alas-6 ng hapon hanggang ala-1 ng Sabado ng umaga.

 

Ang hilagang bahagi ng palengke ay lugar para sa mga tradisyonal na handicraft. Puwedeng makita ninyo ang mga antigong plato, storage cabinet, badge, hand made na baldric, hand strings, muleta at artistikong abaniko, calabash, bowlder at iba pang mahiwagang bagay.

Mga millennials, baka hindi pamilyar sa kagamitang ito-film camera. Fashion goes round in circles. Ngayon, muling naging bantog ang mga film camera sa mga youngster Tsino at napakataas ng presyo ng mga kamerang may proper maintenance.

 

Tiyak na may OCD (obsessive compulsive disorder) ang shopkeeper na ito, ayos! ang pagdispley ng mga stone sculpture na ibinebenta niya, cute naman.

 

Naku... nasorpresa akong makita ang laruan na popular na popular when I was a little girl. Isang bamboo stick, dagdagan lang ng ilang makukulay na papel, puwedeng mag-transfer nang 18 uri ng magkakaibang hitsura.

 

Bukod pa sa tradisyonal na handicraft and antique na may estilong Tsino,

ang Panjiayuan Ghost Market ay isang malalaking salu-salo para sa mga tagahanga ng animation.

 

Sa gawing timog ng palengke, nasa first floor ng isang multistory parking area, nagtipun-tipon ang mga fans ng Ultraman, Snoopy, Super Mario, Yoshi, Pokémon, Ash Ketchum. Doraemon, ARALE, The Avengers..

 

Dito makikita ninyo ang mga action figures ng halos lahat ng animation film. Mismong mga shopkeeper ay big fan ng isang cartoon or film at kinokolekta ang maraming action figures. Puwede kayong bumili, puwede ding makipagpalitan sa kanila kung meron kayo ibang pambihirang edisyon ng action figures.

 

Ha, you see, ang shopkeeper ng booth na ito ay isang pares ng kambal.

 

Tingan ninyo, anong nakita ko, wandering Bing Dwen Dwen. Ngayon, walang buying frenzy at half price na lang.

 

Cute na cute naman ang mga earrings at nail sticker.

 

Isang maikling pagsusulit, ano ang buong pangalan ni Super Mario. Haha, ito po si Mario Mario. Iyan, first name Mario, at family name, Mario din.


Kung gusto ninyo ang mga antique, tradisyonal na handicraft ng Tsina at vintage toys, siguradong ayaw ninyong mamiss ang kawili-wiling lugar na ito sa Beijing.


Pulido: Ramil


Video Editor: Sissi