Mula noong unang dako ng Marso, o mas maaga pa, magkakasunod na naisiwalat sa Internet ang mahigit 100 klasipikado at lihim na dokumentong militar hinggil sa malalimang pakikisangkot ng pamahalaang Amerikano sa sagupaan ng Rusya at Ukraine, at tuluy-tuloy na pagmamanman sa mga mataas na opisyal ng Ukraine, Timog Korea, Israel at iba pang bansa.
Ito ang pinakamalubhang pagbubunyag ng lihim, sapul nang maganap ang eksposisyon ng WikiLeaks sa mga lihim na dokumento noong 2013.
Nitong nakalipas na ilang dekada, hindi na lihim ang walang habas na paniniktik ng Amerika sa mga kaalyansa, pero mas detalyado ang mga pinakahuling naibunyag na impormasyon.
Kabilang dito ay maraming detalye hinggil sa sagupaan ng Rusya at Ukraine na kinabibilangan ng plano ng mga operasyon ng tropang Ukrainian sa Tagsibol, lagay ng pagtulong ng mga bansang kaluranin sa pagdedeploy ng armadong puwersa ng Ukraine, pagdeliber ng mga sandata, at iba pa.
Minamanmanan din ng Amerika ang repormang hudisyal ng Israel, at negosasyon ng mga opisyal ng Timog Korea hinggil sa pagkakaloob ng pamuksang sandata sa Ukraine.
Batay sa mga impormasyong ito, kitang-kita ang malalimang pakikisangkot ng Amerika sa sagupaan ng Rusya at Ukraine, at kagustuhan nitong kontrolin ang tunguhin at resulta ng situwasyon.
Walang tiwala ang Amerika sa alinmang bansa, kabilang na ang mga kaalyansa nito.
Para sa Amerika, ang lahat ng panig ay mga ahedres lamang sa hegemonistiko nitong laro.
Batay sa katotohanan, walang kahulugan ang salitang pagkakaibigan para sa Amerika.
Tulad ng sinabi ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, “To be an enemy of America can be dangerous, but to be a friend is fatal.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio