Sarbey ng CGTN: “talent dividend,” malaking lakas-panulak ng pag-unlad ng Tsina

2023-04-23 15:55:08  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na inilabas kamakailan ng organo ng United Nations (UN), sa loob ng kasalukuyang taon, posibleng hindi na ang Tsina ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig.

 

Dahil dito, ilang personahe ang nababahala na maaaring mawalan ng "demographic dividend" ang bansa.

 

Pero ayon sa pandaigdigang sarbey na inilunsad ng China Global Television Network (CGTN), ipinalalagay ng 88.4% ng mga respondiyente na ang yamang tao ng Tsina ay maaaring sumuporta sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.

 

Sa loob ng 24 oras, nakilahok at nagpahayag ng pananaw ang 92,500 netizen sa buong mundo.

 

Ang nasabing sarbey ay inilabas sa mga plataporma sa wikang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe at Ruso.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio