Pagpapabilis ng pagtatatag ng modernong sistemang industriyal, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2023-05-06 15:54:51  CMG
Share with:

Habang nangungulo siya sa isang pulong ng Central Committee for Financial and Economic Affairs ng Tsina kahapon, Mayo 5, 2023, ipinagdiinan ni Xi Jinping, puno ng komiteng ito at Pangulo ng bansa, ang pagpapabilis ng pagtatatag ng modernong sistemang industriyal na sinusuportahan ng real economy, at pagkatig sa modernisasyong Tsino na may de-kalidad na pag-unlad ng populasyon.

 

Nanawagan si Xi sa bagong Central Committee for Financial and Economic Affairs na patuloy na gagampanan ang positibong papel sa pagtakda ng mga pangunahing polisya sa gawaing ekonomiko, at ibayo pang palalakasin at pabubutihin ang sentralisado’t nagkakaisang pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa gawaing ekonomiko.

 

Saad ni Xi, ang modernong sistemang industriyal ay pundasyong materyal at teknolohikal ng modernong bansa, kaya ang pokus ng pagpapaunlad ng kabuhayan ay dapat ilagay sa real economy, upang ipagkaloob ang malakas na suportang materiyal sa pagpapatupad ng ika-2 sentenaryong target.

 

Ang pag-unlad ng populasyon ay pangunahing usaping may kinalaman sa pag-ahon ng nasyong Tsino, kaya dapat puspusang pataasin ang kabuuang kalidad ng populasyon, at suportahan ang modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng de-kalidad na pag-unlad ng populasyon, dagdag pa ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil